Para Matapos Na...
O sige, para sayo na nagsasabi ng mga sumusunod tungkol sa '300', na kesyo:
1. mababaw, wala namang storya;
2. predictable ang plot;
3. bayolente, panay pugutan ng ulo;
4. puro malalaswang eksena;
5. OA;
6. Pangit ang ending; mamamatay din pala nagpakahirap pa;
7. Pang-bading lang yung pelikula, panay ka-badingan lang.
Eto sa'yo:
1. Gusto mo ng malalim? Manood ka ng CSI sa cable, o kaya mga spy at detective movies. Wag 'to. Hindi naman ginawa ang 300 para mag-isip ka ng malalim e. Pinakita lang sayo yung ibang klaseng cinematography na para kang nanonood ng gumagalaw na graphic novel. Yung proseso kaya nun, hindi pa ba malalim para sayo? E di ikaw na magaling.
2. Predictable? Natural, e hango nga sa kasaysayan ng Gresya at Persya yan e. Kahit hindi mo na i-predict; basahin mo na lang. Libong taon na nakakaraan gawa na ang script nyan tsong.
3. Bayolente? Malamang-lamang - gera nga e. Ano gusto mo, mag-shakehands sila? Ano to EDSA? Ayaw mo ng bayolente? Easy. Manood ka ng Carebears.
4. Malaswa? Mag-asawa kaya yun. Atsaka kasama sa plot - May posebilidad mamatay asawa mo kinabukasan at di mo na makita, hindi mo ba gagawin yun? Tsk, tsk. Pero pag ang mga title "Turbuhan sa Tubuhan", o "Talong" o "Sabik" dali-dali ka sa sinehan. Na sa'yo lang malisya boy.
5. O.A.? Wag ka na lang manood ng pelikula. Ganun talaga trabaho ng mga artista. Kaya nga 'acting' ang tawag, di ba?
6. Kasi, siya, may pinaglalaban. May prinsipyo. E ikaw? Awitan ka lang siguro ni Xerxes susuko ka na e. Marunong ka pa sa direktor.
7. Hmmm...projection. Hehe.
-------
Next time bago ka mag-critique ng pelikula...subukan mo muna mag-research. O kaya mag-isip. 'Bato-bato sa langit...ang tamaan...syempre masasaktan.' XP
Sige subukan mo umepal.
-----
A repost from my multiply blog. Kabangisan. =P

Comments